838 na bagong kaso ng COVID-19 sa NCR, naitala ng DOH

115

Umakyat sa 838 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) kahapon.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mas mataas ito sa naitalang 835 new cases kamakalawa.

Nasa tatlong lungsod naman sa NCR ang nakapagtala ng higit sa 100 bagong kaso ng sakit kung saan 160 ang naitala sa Quezon City; 107 sa Makati at 101 sa Manila.


Habang narito ang iba pang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa ibang bahagi ng Metro Manila:

Parañaque – 82
Pasig – 59
Taguig – 55
Mandaluyong – 49
Las Piñas – 47
Pasay – 43
Marikina – 34
Caloocan at Valenzuela – 21
San Juan – 10
Malabon – 5
Pateros – 1

Samantala, walang naitalang bagong kaso ng COVID sa Navotas.



Facebook Comments