NBA | Franchise record win streak, natapatan ng Cavaliers

46

NBA – Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Cleveland Cavaliers sa NBA.

Kanina natapatan ng Cavaliers ang franchise-record na ikalabing-tatlong sunod na panalo matapos maungusan ang Sacramento Kings, 101-95.

Umiskor si LeBron James ng 32 points kasama na ang isang three-pointer sa huling labing limang segundo ng laro para mapanatili ng Cleveland ang kanilang winning streak.

Huling natalo ang Cleveland noong November 11.

Facebook Comments