NBA | Lebron James, pasok na sa 30,000 point club

NBA – Isa na naman pambihirang milestone ang naitala ni Lebron James matapos nitong ma-score ang kaniyang ika-tatlumpong libong puntos sa National Basketball Association.

Si James ang ikapito pero pinakabatang player na nakapasok sa eksklusibong 30,000 point club ng liga.

Bago si James, naunang nagawa nina Kareem Abdul-Jabbar, Karl Malone, Kobe Bryant, Michael Jordan, Wilt Chamberlain at Dirk Nowitzki na mabasag ang 30,000 points record.


Nagawa ni James ang record matapos nitong maisalpak ang isang jumper bago matapos ang first quarter ng laban ng Cavaliers kontra sa San Antonio Spurs.

Facebook Comments