NBA | Miami Heat nilusaw ang San Antonio Spurs, 95-88

23

Miami, USA – Hindi pinaporma ng Miami Heat ang San Antonio Spurs para maitala ang 95-88 na panalo sa NBA.

Sa unang quarter pa lamang ay agad binulaga ng Heat ang Spurs sa pamamagitan ng 15-4 opening run. Bagay na naging dahilan para palitan ni San Antonio coach Gregg Popovich ang starting five nito.

Dahil sa nakuha agad ang kumpiyansa at magandang galaw nagawa ng Miami na pigilan ang comeback bid ng Spurs sa kabuuan ng laro.

Umiskor ng 29 points, 20 rebs at 8 shotblocks si Hassan Whiteside para sa Heat habang may 20 points naman si Patty Mills para sa San Antonio.

Facebook Comments