Thursday, May 7, 2026

NBI, mag-a-apply ng cyber warrant para mabuksan ang gadgets ng grupo ni Franco Mabanta

Tiniyak ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na mag-a-apply sila ng cyber warrant ngayong araw para mabuksan ang gadgets ng grupo ni Peanut Gallery Media Network Founder Franco Mabanta.

Sinabi ni Matibag na sa pamamagitan nito, matutukoy kung may iba pang tinakot o kinikilan ang grupo ni Mabanta.

Sinabi ni Matibag na may ilang opisyal ng pamahalaan ang nagparamdam sa NBI matapos na makaranas din ng pang-ba-blackmail.

Tumanggi naman si Matibag na tukuyin kung anong posisyon ng government officials na maaaring nakararanas ng extortion na tulad kay dating Speaker Martin Romualdez.

Facebook Comments