Thursday, May 7, 2026

COC ng mga tatakbo sa BARMM Elections agad ilalathala ng COMELEC; mga kaso ng material misrepresentation maghigpit na babantayan

Ipinagmalaki ng Commission on Elections (COMELEC) na naging maganda ang turnout ng mga naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa BARMM Parliamentary Elections.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni COMELEC Spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na bagama’t nakapag-comply na ang halos 16 na political parties ay may inaasahan pa rin silang mga hahabol ngayong last day ng COC filing.

Kasunod nito, agad daw nilang ilalathala ang COC ng mga naghain para makita ng publiko at bilang bahagi ng transparency ng poll body.

Sa pamamagitan nito ay agad makikita kung may mga hindi kwalipikadong tumakbo at maiwasan ang insidente gaya ng nangyari kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na lumabas na hindi pala Pilipino.

Susuriin ding mabuti ng COMELEC Law Department ang mga COC ng mga naghain para maiwasan ang nuisance o ‘yung mga plano lamang manggulo at lituhin ang mga botante.

Tiniyak naman ni Laudiangco na nakahanda ang poll body na magsampa ng kaso gaya ng material misrepresentation o i-disqualify ang COC ng sinumang mapapatunayang hindi nagsabi ng totoo.

Facebook Comments