Friday, September 11, 2026

NBI, maghahain ng disbarment case laban kay VP Sara Duterte

Nakatakdang maghain ano mang oras ngayong araw ang National Bureau of Investigation o NBI ng disbarment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay NBI National Capital Regional Director Regional Director Atty. Emeterio A. Dongallo Jr., isasampa ang disbarment laban sa pangalawang pangulo sa Integrated Bar of the Philippines o IBP.

Ang hakbang ng NBI ay kasunod na rin ng naging pahayag ng bise nang magtungo ito sa Quezon City Regional Trial Court para maghain ng piyansa sa kasong tatlong bilang ng grave threats.

Inihayag dito ng pangalawang pangulo na wala siyang tiwala sa hukuman sa kabila ng pagiging abogado nito.

Maging sa PNP ay hindi rin umano siya nagtitiwala dahil aniya sa serye ng pangha-harass ng mga ito sa kanya at kanyang pamilya.

Facebook Comments