NBI, papasok na sa imbestigasyon sa pagkamatay sa hazing ng isang engineering student

Papasok na ang National Bureau of Investigation o NBI sa imbestigasyon sa pagkamatay sa hazing rites ng engineering student.

Ito ay kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano matapos na makarating na rin kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang kaso ng pagkamatay ni John Mathew Salilig matapos sumailalim sa welcoming rites sa fraternity sa Biñan, Laguna.

Nais aniya ni Remulla na tumulong ang NBI na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon para mapadali ang pagpapanagot sa batas sa mga nasa likod ng karumal-dumal na krimen.


Tiniyak din ni Clavano ang patas na imbestigasyon sa sandaling maisampa sa DOJ ang reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law laban sa mga suspek.

Mismong isa sa mga nakasama ni Salilig sa fraternity ang nagtungo sa lugar kung saan ibinaon ang labi ng engineering student.

Facebook Comments