NBN-ZTE deal whistleblower na si Jun Lozada, sumuko sa NBI

264

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Ferdinand Lavin na boluntaryong sumuko sa kanila ang NBN-ZTE deal whistleblower na si Jun Lozada at ang kanyang kapatid na si Jose Orlando.

Pero hindi ito kaugnay sa NBN-ZTE deal kundi sa naging desisyon ng Sandiganbayan sa kasong graft na nag-ugat sa pag-award niya ng public land sa kaniyang kapatid noong siya ang pangulo at executive officer ng Philippine Forest Corp. noong 2007 at 2008.

Pinagtibay ng Supreme Court ang ibinabang hatol ng Sandiganbayan Fourth Division na mula 6 hanggang 10 taong pagkabilanggo kina Jun at kanyang kapatid.


Facebook Comments