Iranian ambassador, nag-courtesy call sa DFA

48

Nag-courtesy call kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa P. Lazaro si Iranian Ambassador to the Philippines Alireza Tootoonchian.

Tinalakay ng dalawang opisyal ang hinggil sa ugnayan ng dalawang bansa sa usapin ng science and technology, agriculture, tourism, consular at multilateral issues.

Ipinaabot din ni Undersecretary Lazaro ang kanyang pasasalamat sa assistance ng Iran sa pagbisita sa kanilang bansa ng ilang opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) at ng mga eksperto mula sa mga unibersidad ng Pilipinas.


Tiniyak naman ni Ambassador Tootoonchian na kanyang hihikayatin ang kanyang mga kababayan na bumisita sa Pilipinas para makatulong sa turismo ng bansa.

Facebook Comments