NBP, tatayuan ng BuCor Global City

Gagawing BGC o BuCor Global City ang lupang kinatatayuan ngayon ng headquarters ng Bureau of Corrections at New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Sinabi ni BuCor Director-General Gregorio Catapang na sa halip na ibenta ay pauupahan na lang nila ang 350 ektaryang lupain ng BuCor at ang pondo mula rito ay gagamitin sa modernisasyon at regionalization ng mga kulungan sa bansa.

Magiging public-private partnership aniya ito kung saan ang lupain ay iko-convert para sa commercial at agro-industrial use at maging para sa business process outsourcing.


Una nang inihayag ni Catapang na unti-unting ililipat sa lalawigan ang PDLs na nasa Bilibid.

Facebook Comments