MGA DRUG SURRENDERERS SA MAPANDAN, MAAARI NANG SUMAILALIM SA REFORMATION PROGRAM SA BALAY SILANGAN NG MANAOAG

‎Maaari nang gamitin ng mga drug surrenderers mula Mapandan ang Balay Silangan ng Manaoag matapos ang paglagda ng dalawang bayan sa isang Memorandum of Agreement (MOA) noong Agosto 5, 2026.
‎‎Sa kasunduan, pinahihintulutan ang Mapandan na gamitin ang pasilidad ng Manaoag para sa mga intervention at support activities ng mga drug surrenderers.

‎Matatandaang pinasinayaan noong Abril 19, 2023 ang naturang ika-siyam na Balay Silangan Reformation Center sa Pangasinan na matatagpuan sa Barangay Pugaro, Manaoag.

‎Nilagdaan mismo ang MOA nina Manaoag Mayor Jeremy Agerico B. Rosario at Mapandan Mayor Karl Christian Vega.

‎Dumalo rin sa seremonya ang mga MLGOO ng Manaoag at Mapandan, mga kinatawan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO), at iba pang LGU personnel. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments