Tuesday, June 9, 2026

NDRRMC, focus sa search and rescue operation at pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng lindol sa Mindanao

Nakatuon ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa search and rescue at retrieval operations, pagtugon sa housing needs ng mga pamilyang nasiraan ng bahay, at pagpapanatili ng sapat na suply sa relief operations sa Mindanao.

As of 9am ng Martes, June 9, 460 ng kabahayan ang naitalang totally damaged habang 2,045 naman ang partially damage.

Giit ng NDRRMC, sapat umano ang pondo at resources ng pamahalaan para tumugon sa pangangailangan sa Mindanao, habang may mga bansa naman umanong nagpahayag ng interes sa pagtulong, pero nasa pangulo na umano ang desisyon tungkol dito.

Samantala, maliban sa 3,693 committed na personnel sa Mindanao ay may 2,300 personnel pa na naka-standby mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) sakaling kailanganin pa ng karagdagang manpower.

Dagdag pa rito, hindi umano papayag ang NDRRMC na bumalik sa eskwelahan ang mga estudyante sa Mindanao hangga’t hindi nao-audit ang lahat ng pasilidad sa Mindanao.

Facebook Comments