RMN Foundation at Metrobank Foundation, lumagda sa MOA para sa pagpapaigting sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad

Lumagda sa Memorandum of Agreement ang RMN Foundation at Metrobank Foundation para sa pagpapaigting pa ng pagbibigay ng tulong sa mga nasasalanta ng kalamidad sa bansa.

Ayon kay RMN Foundation Vice President for Operations Enrique “Ikey” Canoy, ang paglagda ng MOA ng RMN Foundation at Metrobank Foundation ay napapanahon lalo na’t sunud-sunod ngayon ang kalamidad sa Mindanao at Visayas.

Kinumpirma rin ni Ginoong Canoy na sa ngayon ay nasa Visayas ang RMN Foundation para mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha roon.


Ang Metrobank Foundation at ang RMN Foundation ay consistent sa pagtutulungan para sa mga programang nakatuon sa kalusugan at disaster response.

Facebook Comments