
Positibo ang National Economic and Development Authority (NEDA) na patuloy pang gaganda ang labor market ng Pilipinas.
Kasunod ito ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nananatiling matatag ang employment rate sa bansa dahil sa gumagandang kalidad ng trabaho.
Sa kabila nito, aminado naman si NEDA Sec. Arsenio Balisacan na hindi pa rin dapat maging kampante ang pamahalaan at kailangang patuloy na pagsumikapan para mapanatili ang magandang labor market ng bansa.
Sinabi pa ni Balisacan na sa ganitong paraan mapananatili ang economic momentum na magbibigay ng magandang pagkakataon sa mas mataas na kita para sa mga Pilipino.
Tinukoy rin ni Balisacan ang reintegration program para sa mga nagbabalik na mga Overseas Filipino Worker (OFW) lalo na ang Pinoy illegal immigrant sa Amerika na tatamaan ng crackdown.