
Inihayag ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho kung saan naitala sa 1.63 milyong Pinoy ang walang trabaho noong Disyembre 2024.
Batay ito sa inilabas na resulta ng Labor Force Survey ng PSA ngayong umaga.
Ayon kay PSA Usec. Claire Dennis Mapa, mas mababa ito kumpara sa 1.66 milyong mga Pilipinong walang trabaho na naitala ng kanilang ahensya noong Nobyembre noong nakaraang taon.
Samantala, naitala naman sa 5.48 na milyon o 10.9% ang bilang ng mga underemployed nitong Disyembre 2024.
Facebook Comments