Mga impeachment complaint, tinawag na palpak ng Duterte Youth Party-list

Para sa Duterte Youth Party-list, palpak ang mga impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte lalo na ang basehan nito na betrayal of public trust.

Giit ni Duterte Youth Party-list Rep. Drixie Cardema, ang tunay mga nagtaksil sa tiwala ng taumbayan ay ang mga tiwaling politiko at mga kongresista na umano’y kaalyado ng rebeldeng grupo.

Kinukwestyon din ni Cardema ang pinaikling proseso para sa mga reklamong impeachment kay VP Sara.


Nais ni Cardema na idaan muna sana ang impeachment complaints sa House Committee on Justice bago ito pinagbotohan at inaprubahan.

Pahayag ito ni Cardema makaraang i-endorso ng 215 mga kongresista ang ika-apat na impeachment complaint laban sa bise presidente na ngayon ay nai-akyat na sa Senado na siyang tatayong impeachment court at magsasagawa ng paglilitis.

Facebook Comments