Wednesday, October 14, 2026

Pagtupad ng Meralco sa ₱2.64-B refund, dapat mahigpit na bantayan ng ERC

Mahigpit na pinababantayan sa Energy Regulatory Commission (ERC) ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano ang pagtupad ng Meralco sa refund o pagsasauli sa customers ng kabuuang P2.64-billion.

Ayon kay Valeriano sa ERC, dapat tiyakin na maipapaloob sa buwanang electricity bill ng Meralco Customers ang nabanggit na refund.

Hiling ito ni Valeriano, kasunod ng direktiba ng ERC sa Meralco na isagawa ang refund sa loob ng anim na buwan sa halip na 12 buwan.

Bukod dito ay nais din ni Valeriano na siguraduhin ng Meralco na hindi na maisasama sa electricity bills ang Value Added Tax o buwis sa system loss charges.

Iginiit din ni Valeriano sa ERC na patuloy na pag-aralan ang mga components ng electricity bill nito at alisin ang mga hindi makatwirang singil upang mapababa ang gastos sa kuryente ng publiko.

Facebook Comments