NIGHT MARKET SA CAGAYAN, OPISYAL NANG BINUKSAN

14
Cauayan City, Isabela- Pormal nang binuksan ni Cagayan Governor Manuel N. Mamba at Atty. Mabel Villarica-Mamba ang Night Market sa Mamba Gymnasium Cagayan Sports Complex, Tuguegarao City nitong Huwebes ng gabi.

Ang nasabing night market ay may temang “Pista sa Nayon” bilang bahagi ng kanilang ika-439th na taong anibersaryo.

Tampok sa night market ang iba’t-ibang produkto ng lalawigan tulad ng mga pagkain at inuming lokal, mga halaman, ukay-ukay, at souvenir items.

Namigay naman ang LGU Enrile ng free taste ng kanilang kilalang delicacy sa pamamagitan ng Cagayan Mobile Kitchen.

Pinasalamatan naman ni Atty.Mabel Villarica-Mamba ang mga exhibitors at sinabing patuloy na susuportahan ng provincial government ang mga Small and Medium-scale Enterprises sa probinsya.

Tatagal ang nasabing night market hanggang July 3, 2022.





Facebook Comments