No. 1 Most Wanted sa Pasay City arestado

Arestado sa manhunt operation ng Pasay City Police Station ang No. 1 Most Wanted person sa lungsod.

Kinilala ang suspek na si Roderick Obico y Nacionales alyas “Eric,” apatnapu’t siyam na taong gulang at residente ng Barangay Biga 1, Silang, Cavite.

Naaresto si Obico sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Pasay City Regional Trial Court Branch 115 Presiding Judge Elmer Joseph Guerzon dahil sa kinahaharap nitong apat na bilang ng kasong rape.


Pinuri naman ni NCRPO Chief Police Brig. Gen. Jonnel Estomo ang mga law enforcement unit na nagtulong-tulong para maaresto ang suspek.

Kasabay nito, tiniyak ni Estomo na hindi natatapos sa pagsasampa lang ng kaso ang ginagawang hakbang ng pulisya laban sa mga kriminal dahil sinisiguro rin nilang mapapaharap ang mga ito sa korte at mapaparusahan sa ilalim ng batas.

Facebook Comments