NPD Director Chief Supt. Roberto Fajardo, sinibak na rin sa pwesto ni PNP Chief Dela Rosa kaugnay sa pagpatay kay Kian

Manila, Philippines – Sinibak sa pwesto ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ang hepe ng Northern Police District na si Chief Supt. Roberto Fajardo dahil sa kaso ng pagkamatay ng grade 11 student na si Kian Delos Santos.

Sinibak si Fajardo dahil sa tinatawag na command responsibility.

Layon lang aniya nito na matiyak ang patas na imbestigasyon sa madugong anti-drug operation sa Caloocan City.


Mananatili muna ngayon si Fajardo sa personnel holding and accounting unit ng PNP sa Camp Crame.

Sa ngayon, nasa 6 na pulis na ang nasisibak sa pwesto matapos mapatay ng mga pulis sa Oplan Galugad ang menor de edad na si Kian Delos Santos.

Facebook Comments