Nagsimula na ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) sa pamamahagi ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance para sa 1,962 pamilya sa iba’t ibang lalawigan ng Region 1 bilang karagdagang suporta sa gitna ng umiiral na energy emergency sa bansa.
Sa ilalim ng Group 2 ng programa, bawat benepisyaryo ay tatanggap ng kabuuang P12,000 o P2,000 kada buwan sa loob ng anim na buwan, mula Hulyo hanggang Disyembre 2026.
Kabilang sa mga unang makatatanggap ng ayuda ang 101 pamilya mula sa Ilocos Norte, na bibigyan ng P2,000 bilang unang bugso ng tulong.
Ayon sa DSWD FO 1, ang mga benepisyaryo ay pinili mula sa mga poor at near-poor households batay sa datos ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA), upang matiyak na ang tulong ay mapupunta sa mga pamilyang higit na nangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










