Monday, August 3, 2026

Operations center ng NDRRMC, itinaas na sa Blue Alert Status para sa Bagyong Luis

Itinaas na sa Blue Alert Status ang operations center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa Bagyong Luis.

Epektibo ang nasabing pagtataas ngayong araw ganap na alas-8 kaninang umaga.

Kung saan ang mga detailed officers mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at technical staff mula sa Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) ay inatasang magduty sa NDRRMC.

Habang ang virtual Emergency Operations Center (EOC) ay gagawing aktibo para sa patuloy na koordinasyon sa NDRRMC Member-Agencies at RORRMCs.

Kaugnay nito, ang ang NDRRMC Member-Agencies at Regional DRRMCs ay binigyan ng direktiba na imonitor at iulat ang posibleng mga lugar na maaapektuhan ng nasabing bagyo.

Facebook Comments