SAN ROQUE DAM, MAGPAPAKAWALA NG TUBIG NGAYONG ARAW; NAPOCOR, SINIGURONG HINDI MAGDUDULOT NG PAG-APAW SA AGNO RIVER

Siniguro ng National Power Corporation (NAPOCOR) na hindi magdudulot ng pag-apaw ng Agno River ang pagpapakawala ng tubig mula sa San Roque Dam ngayong Miyerkules, Setyembre 2, alas-8 ng umaga.

‎Ayon kay Ma. Teresa Serra, Acting Manager ng NPC Dams Management, dalawang gate ng San Roque Dam ang bubuksan na nasa dalawang metro ang kabuuang sukat.


‎Tinatayang nasa 300 cubic meters per second (cms) ang magiging discharge ng tubig mula sa pagbubukas ng mga gate.

‎Ipinaliwanag ni Serra na kinakailangan ang pagpapakawala ng tubig para mapanatili sa ligtas na lebel ang reservoir, matapos lumampas ang dam inflow sa kasalukuyang outflow.

‎ ‎Gayunman, siniguro ng NAPOCOR na hindi inaasahang magdudulot ng pag-apaw sa Agno River ang karagdagang discharge, bagama’t patuloy na minomonitor ang kondisyon ng ilog at lebel ng tubig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments