Dinala mismo sa mga residente ng Barangay Cabilaoan at Barangay Lebueg sa Laoac, Pangasinan ang libreng maintenance medicines at serbisyong medikal sa ilalim ng GUICONSULTA+ Program ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III.
Kabilang sa mga libreng gamot na ipinamahagi ang Losartan, Amlodipine at iba pang maintenance medicines para sa mga residenteng nangangailangan nito.
Naghatid din ang programa ng libreng konsultasyong medikal, bitamina at iba pang pangunahing gamot, bilang bahagi ng GAMOT Program ng PhilHealth.
Katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsasagawa ng aktibidad ang LGU Laoac, Local Rural Health Unit o RHU, at Urdaneta District Hospital.
Layunin ng programa na mailapit sa mga Pangasinense, lalo na sa mga komunidad na malayo sa mga pasilidad pangkalusugan, ang libreng konsultasyon, gamot at iba pang serbisyong medikal.
Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ni Governor Guico ang mga programang pangkalusugan upang matiyak na mas maraming Pangasinense ang makatatanggap ng dekalidad at libreng serbisyong medikal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












