‎Patuloy na pinalalakas at pinagtitibay ng bayan ng Bolinao ang kasanayan at kaalaman ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO Bolinao kasama ang mga resort staff sa isinagawang Water Search and Rescue (WASAR) Training at boat handling sa Bolinao.

‎Sa pangunguna ng mga WASAR personnel mula sa Pangasinan PDRRMO, pinagtibay ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa pamamagitan ng iba’t ibang pagsasanay at aktibidad.
‎

‎Layunin ng nasabing pagsasanay na gawing handa ang mga kawani sa pagsasagawa ng ligtas at epektibong water rescue operations, lalo na sa panahon ng mga kalamidad at emergencies na may kaugnayan sa tubig.
‎

‎Binigyang pansin din ang kahalagahan ng patuloy na capacity building lalo na sa mga emergency responders para sa mabilis, maayos, at propesyonal na pagresponde sa anumang klase ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments