OPS at DOH, nagpaalala sa mga biyahero kaugnay sa “One Health Pass”

Nagpaalala ang Office of the Press Secretary (OPS) at Department of Health (DOH) sa mga biyahero na magtutungo sa Pilipinas.

Nilinaw kasi ng OPS at DOH na iisa lamang ang opisyal na “One Health Pass” na accessible sa lahat at hindi nangangailangan ng anumang bayad.

Dagdag pa, maaaring ma-access at mag-register sa pamamagitan ng www.onehealthpass.com.ph.


Payo nila sa publiko na maging vigilante sa pag-access sa mga website hinggil sa requirements sa pagpasok sa bansa.

Facebook Comments