Overnight ng mga bisita, papayagan pa rin sa Manila Memorial Park ngayong gabi

Papayagan pa rin ngayong gabi ang overnight ng mga bisita sa Manila Memorial Park sa Sucat, ParaƱaque.

Ito ay bagama’t bukas , November 2 ay balik na sila sa regular na oras ng operasyon na alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi.

Umapela naman si Park Manager Jocelyn Capule sa mga bisita sa Manila Memorial Park na pairalin pa rin ang minimum public health standards sa loob ng sementeryo


Kinumpirma rin ni Capule na may ilan na ring kaanak ng pinaslang na journalist Percy Lapid ang dumalaw sa puntod nito.

Facebook Comments