P-Duterte, bumisita sa burol ng dalawang nasawing sundalo sa Marawi City

*Manila, Philippines – Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng dalawang sundalo na nasawi sa Marawi City.*

*Alas-11:20 kagabinang dumating ang pangulo sa mortuary ng Libingan ng mga Bayani sa Taguig City mula sa kanyang flight galing Davao.*

*Personal na nagbigay ng pakikiramay si Duterte sa pamilya at mga naulila nina Capt. Rommel Sandoval at Pvt. First Class Sherwin Marco Canapi.*


*Nabatid nasawi ang dalwang sundalo nang maka-engkwentro ang Maute group habang nagsasagawa ng clearing operation sa Brgy. Sangcay Dansalan noong linggo.*

*Ginawaran rin ng pangulo sina Sandoval at Canapi ng Post-Humous Order of Lapu-Lapu Medal, Rank of Kalasag.*

*Tinanggap ng asawa ni Sandoval ang medalya habang ang mga magulang naman ni Canapi ang tumanggap ng pagkilala mula kay Duterte.*

*Kasama rin ng pangulo na nakiramay sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, at National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon.*

Facebook Comments