P-Duterte, pinabibigyan ng emergency powers para maituwid ang BOC

Manila, Philippines – Inilabas na ng House Committee on Ways and Means ang committee report tungkol sa isinagawang imbestigasyon sa 6.4 Billion na iligal na drogang nakalusot sa Bureau of Customs at ang talamak na katiwalian sa ahensya.

Sa 82 pahinang committee report ng komite na pinamumunuan ni Ways and Means Chairman Dakila Cua, pinabibigyan ng emergency powers si Pangulong Duterte para ireorganisa ang Customs upang mabura ang talamak na anomalya dito.

Ipinabubuwag din ang BOC at pinapapalitan ito ng bagong ahensya pati na rin ang pagbuwag sa binuong command center.


Ayon pa sa report ng komite, napatunayan na mas lumala ang katiwalian sa BOC sa ilalim ng pamumuno ni dating Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa ilalim pa ng pamumuno ni Faeldon, nalugi ang gobyerno ng 44 billion pesos dahil sa undervalued containers habang 7.8 billion ang kinita naman ng mga tiwaling boc personnel mula july 2016 hanggang july 2017.

Pinasisiyasat din sa DOJ, NBI at OMBUDSMAN sina Faeldon at mga deputy commissioners pati mga consultants kasama si Atty. Mandy Anderson dahil ang mga ito ay kinuha na hindi kwalipikado sa posisyon.

Inirekomenda din ang pagpapaimbestiga sa 26 na players o fixers na ginagamit ng mga importers para makapagpadulas sa BOC at madaling makapaglabas ng kargamento.

Kasama din sa pinasisiyasat ang broker na si Mark Taguba at ang EMT trading na ginamit nito sa pagpasok ng shipment kung saan natagpuan ang 6.4 billion na halaga ng shabu at sina Richard Tan at Kenneth Dong.

Facebook Comments