Timbog sa buy-bust operation ang isang babae sa Brgy. Barraca, Villasis, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si alyas ‘Joyce’, 44 anyos, kasalukuyang nangungupahan sa Urdaneta City.
Nakumpiska sa suspek ang 30 gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa anim na plastic sachet at tinatayang nagkakahalaga ng P204,000.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments