Tinangay ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang nasa P400,000 na cash mula sa isang department store sa Brgy. Poblacion, Basista, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, natuklasan ng security guard at manager ng pwesto ang insidente nang mapansing bukas ang cash box ng tindahan habang naghahanda nang magbukas ng pwesto.
Tinatayang P90,000 ang tinangay ng mga suspek sa drawer ng cashier habang P310,000 naman sa drawer sa opisina.
Nakita rin ang butas sa likurang bahagi ng gusali na posibleng nagiging entry point ng mga suspek.
Patuloy na nagsasagawa ng backtracking sa CCTV footages ang awtoridad upang matugis ang kinaroroonan at matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments