Nagpaalala ang Center for Health Development Region 1 na dapat ay taon-taon umanong nababakunahan ang mga alagang hayop upang maging mababa ang tsansa nitong makakuha ng rabies.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay CHD 1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis, ito umano ay parte ng responsible pet ownership.
Nilinaw din ni Dr. Bobis na ang rabies ay hindi natural o inborn sa mga aso at pusa, ito umano ay nahahawa lang din sa kanila.
Ang naturang aksyon ay makakapagbaba rin ng tsansa o makakapagbigay ng proteksyon sa mga taong makakagat ng mga ito.
Samantala, puspusan ang isinasagawang libreng anti rabies vaccination drive ng kagawaran sa probinsya.
Sa ngayon, nananatili sa tatlo ang kaso ng rabies sa buong probinsya ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments