P29 Rice Program, muling isasagawa ng Navotas LGU

Muling magbebenta ang lokal na pamahalaan ng Navotas ng P29 na kada kilo ng bigas sa ilalim ng Rice Program ng Department of Agriculture (DA).

Gaganapin ito sa Navotas City Hall Grounds mula ngayong araw, Pebrero 6, hanggang sa Sabado, Pebrero 8.

Maaaring bumili ng limang kilo na bigas ang mga miyembro ng 4Ps, solo parent, senior citizen, o PWD kung saan nasa 500 slots ang nakalaan araw-araw.


Kinakailangan lamang na magdala ng ID na nagpapatunay ang nasa ilalim ng nasabing sektor at sariling ecobag.

Pwede rin ang kinatawan ang bibili basta’t dalhin lamang ang sariling ID gayundin ng benepisyaryo at authorization letter.

Kasabay ng P29 Rice Program, mabibili din ang P36-54/kilo na bigas para sa lahat sa Kadiwa Center sa Navotas.

Facebook Comments