
Taos-pusong nagpapasalamat si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa tiwala at kumpiyansa sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito’y makaraang palawigin ni Pangulong Marcos ng apat na buwan ang termino ni PNP Chief Marbil.
Ayon kay Marbil, gagamitin niya ang apat na buwan para mapagbuti pa ang paghahanda ng Pambansang Pulisya para sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Sa ngayon kasi ay puspusan na ang ginagawang paghahanda ng PNP para sa halalan.
Bahagi nito ang inilunsad kahapon sa Camp Crame na 100 days operational activities para sa eleksyon at ang pagsasagawa ng solidarity pact para sa malinis na eleksyon.
Facebook Comments