Pag-iimprenta ng national ID, on target ayon sa pamahalaan

79

Tiwala ang Philippine Statistics Authority (PSA) na kayang tapusin hanggang katapusan ng taon ang target 30.1 million printed national identification (ID) cards at 19.9 million digital ID cards.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, hanggang nitong August 23 ay naibigay na ng PSA sa Philippine Postal Corporation (PhilPost) ang nasa 17.6 million national ID cards para maipadala sa mga aplikante.

Batay naman sa ulat ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan sa Malakanyang na sa nakalipas na 11 araw, ang naiimprentang cards ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay 103,000 kada araw o mas mataas sa daily target ng PSA.


Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa PSA na ipamigay ang 30 milyong national IDs hanggang katapusan ng 2022, at abutin ang target goal na 92 million sa kalagitnaan ng susunod na taon.

Mahalaga kasi aniya ang national ID para sa isinusulong na digital transformation ng gobyerno.

Facebook Comments