Pag-imprenta ng mga balota para sa plebisito sa Marawi, sisimulan na

Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) sa Sabado, Feb. 25, ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa plebisito sa Marawi City sa March 18, 2023.

May kaugnayan ito sa ratipikasyon sa pagtatatag ng Barangay Boganga II at Barangay Datu Dalidigan sa Marawi City.

Gagawin ang pag-imprenta ng mga balota sa APO Production Unit Inc. sa Bicutan, Parañaque City.


Mapapanood din ito sa livestream sa COMELEC Facebook page at YouTube channel.

Bukas din ang pag-imprenta ng mga balota sa media coverage at sa citizens’ arm group.

Facebook Comments