Sunday, October 4, 2026

Solar-powered irrigation sa bansa, target palawakin sa 10,000 sites pagsapit ng 2030

Palalawakin ng pamahalaan sa 10,000 lugar sa bansa ang solar-powered irrigation pagsapit ng 2030 upang mapababa ang gastos ng mga magsasaka sa patubig at diesel.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, mayroon nang 4,036 solar-powered irrigation sites ang National Irrigation Administration o NIA sa 43 probinsya.

Inaasahang mapakikinabangan ito ng dalawang milyong magsasaka at madagdagan ng 100,000 ektarya ang lupang sakahan na may irigasyon.

Ang mga pasilidad ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw para mapaandar ang mga water pump, kaya mababawasan ang gastos sa krudo at kuryente.

Inatasan din ang NIA na pag-aralan ang paggamit ng artificial intelligence para masubaybayan ang pangangailangan sa tubig ng mga sakahan at maiwasan ang pag-aaksaya nito.

Layon nitong mapababa ang gastos sa produksyon at mapataas ang ani ng mga magsasaka.

Facebook Comments