PAG-UULAN SA PANGASINAN, POSIBLENG MAGPATULOY HANGGANG OKTUBRE AYON SA PAG-ASA DAGUPAN

May Ilang Lugar pa rin dito sa Dagupan City na lubog sa baha dahil sa epekto ng Habagat.

Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Jose T. Estrada Jr., Weather Forecast Chief Meteorological Officer, asahan pa rin ang mga pag-ulan sa Pangasinan na maaaring magpatuloy hanggang Oktubre.

Samantala, sinabi niyang hindi na umano dapat mag-alala ang publiko sa bagyong inaasahang magdulot ng masamang panahon, dahil ito ay nasa China Area na at Habagat na lamang ang patuloy na mararanasan sa bansa.

Dagdag pa niya, nasa peak na ngayong buwan ang Habagat, na maaaring magdulot ng malalakas na pag-ulan at pagtaas ng tubig sa mga creek.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente, lalo na ang mga nakatira sa low-lying areas, na manatiling alerto at maging handa sa posibilidad ng pagbaha.

Sa huli, nagpaalala rin siya na dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan, basa na ang lupa at mas mahirap na itong sumipsip ng tubig.

Dahil dito, posible pa ring makaranas ng panibagong pagbaha, lalo na kung magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments