Nakatuon ang AI-Powered Career Development Training sa paggamit ng Gemini at NotebookLM bilang mga digital tool na maaaring makatulong sa pag-aaral, trabaho at paghahanda sa paghahanap ng employment opportunities.
Tinalakay rin sa pagsasanay kung paano maaaring gamitin ang AI upang matukoy ang mga kasanayang hinahanap sa isang target na industriya at makatulong sa pagpaplano kung anong karagdagang skills o training ang kailangang pagtuunan ng isang aplikante.
Kasabay nito, binigyang-diin ang kahalagahan ng digital literacy at kakayahang umangkop sa mga bagong teknolohiya habang patuloy na nagbabago ang requirements sa iba’t ibang trabaho.
Dumarami na rin ang mga industriya at uri ng trabaho na gumagamit ng AI at iba pang digital tools, dahilan upang maging bahagi na rin ng paghahanda sa employment ang kaalaman sa paggamit ng mga ito.
Gayunman, ang AI tools ay nagsisilbing pantulong lamang at hindi kapalit ng aktuwal na kasanayan, karanasan at tamang pagsusuri ng impormasyong ginagamit sa trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







