Nagpaalala ang Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa Dagupan City sa posibleng epekto ng paparating na “Very Strong El Niño.”
Ayon kay Jose Estrada Jr, Chief Meteorological Officer ng DOST-PAGASA Dagupan, base sa kanilang datos magkakaroon o maaring makaranas ng tinatawag na “Very Strong El Niño” na tatagal mula sa buwan ng Oktubre hanggang unang kwarter ng taong 2027.
Dagdag ni Estrada, isa sa mga palatandaan ng El Niño ang pagkaranas ng below normal na ulan.
Maari rin umanong maapektuhan ng nasabing El Niño ang mga palaisdaan at mga pananim ng magsasaka sa labis na kakulangan sa tubig.
Sa huli, nagpaalala ang PAGASA sa pagtitipid at wastong paggamit ng tubig sa kasalukuyan.
Hinihikayat din ang pagtatanin ng puno upang kahit papaano’y maibsan ang epekto ng climate change na siyang nagpapalala sa kasalukuyang sitwasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







