Pagbabago sa COVID-19 alert level system sa bansa, irerekomenda ng DOH sa IATF!

Irerekomenda ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang ilang pagbabago sa ipinatutupad na alert level system sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng sa susunod na linggo ay magrekomenda na sila sa IATF na paghiwalayin na ang alert level system at ang mga restriction.

Paliwanag ni Vergeire, dapat mag-focus na lang ang pamahalaan kung paano natin mapangangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.


Patuloy rin na hinihikayat ni Vergeire ang publiko na magsuot pa rin ng face mask lalo na sa mga matataong lugar at magpabakuna at magpa-booster shot na kontra COVID-19.

Facebook Comments