Friday, September 18, 2026

Walk-through inspection sa EDSA People Power Monument, ikinasa ng QCPD ngayong Biyernes

Nagkasa ng walk-through inspection ang Quezon City Police District o QCPD sa paligid ng EDSA People Power Monument ngayong Biyernes ng umaga, Sept. 18 bilang paghahanda sa nalalapit na commemoration ng Martial Law.

Ayon kay Police Brigadier General Christopher Olazo, acting districr director ng QCPD, handa na ang QCPD para rito at 2-k pulis din ang idedeploy para magbantay sa freedom park, lalo’t posibleng magkasa ng kilos-protesta ang ilang mga grupo.

Sa kabilang banda, nagpaalala rin sa mga motorista si Police Major Jennifer Gannaban, Public Information Officer Chief at Spokesperson ng QCPD, na posibleng magkaroon ng mabigat na daloy ng mga sasakyan sa EDSA People Power Monument sa Lunes, Sept. 21 sakaling magkaroon ng kilos-protesta.

Facebook Comments