Pagbibilang ng boto sa lungsod ng Parañaque, ipagpapatuloy ngayong araw

Ipagpapatuloy ngayong tanghali ang manual uploading ng mga USB per cluster sa Parañaque City.

Nakaranas kasi ng aberya sa transmission ng data kaya walang natanggap ang Board of Canvassers.

Sa pinakahuling datos, nasa 89% na ang na-canvass na boto simula pa kaninang madaling araw hanggang mga oras na ito.

Sa partial and unofficial result naman, nangunguna pa rin sa pagka-mayor si Edwin Olivarez na may 106,716 votes.

Matatandaang simula pa 2013 hanggang 2022 ay naupo nang mayor si Edwin Olivarez sa Parañaque.

Sa pagkakongresista naman sa District 2 ay nangunguna si Brian Yamsuan na may 61,378 votes.

Asahan naman na magaganap ang proklamasyon dakong ala-1:00 ng hapon.

Facebook Comments