
Pormal nang naiproklama ng Commission on Elections o Comelec bilang alkalde ng lungsod ng Caloocan si Mayor Along Malapitan.
Magsisilbi si Malapitan sa ikalawang pagkakataon para muling ipagpatuloy ang pagiging pinuno ng lungsod.
Tinalo ni Mayor Along si dating senador Antonio Trillanes IV kung saan nasa 300,000 ang nakuha boto ng kasalukuyang alkalde.
Nagpasalamat naman si Malapitan sa suportang ipinakita ng bawat residente ng Caloocan habang halos ng nasa line-up nito ay nanalo rin sa botohan.
Kaugnay nito, muling iginit ng alkalde na asahan ng bawat residente ng Caloocan na muling maipagpapatuloy at palalakasin ang mga programa na kanilang nasimulan.
Facebook Comments