Pulis Caloocan, hinatulan ng 2 life imprisonment sa pagpatay sa 2 teenager

Hinatulan ng dalawang bilang ng habambuhay na pagkabilanggo ng Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 122 si Police Officer 1 Jefrey Perez, ang pulis na nasa likod na pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman alyas “kulot”.

Sina Arnaiz at De Guzman ay napatay sa kasagsagan ng war on drug ng dating administrasyong Duterte noong 2017.

Batay sa inilabas na desisyon ng nasabing korte, guilty beyond reasonable doubt si Perez, kung saan hinatulan siya ng dalawang life imprisonment dahil sa kasong planting of evidence sa ilalim ng Republic Act (RA) 9165 kay Arnaiz at isa pang reclusion perpetua.


Hinatulan pa rin si Perez ng reclusion perpetua dahil naman sa kasong torture kay De Guzman.

Pinagbabayad din si Perez ng moral damages at exemplary damages na parehas na nagkakahalaga ng P1 million para sa mga kamag-anak nina Arnaiz at De Guzman.

Facebook Comments