
Tumanggi ang Malacañang na magbigay ng komento sa naging pulong nina US President Donald Trump at Ukrainian President Volodomyr Zelenskyy.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, walang naging reaksiyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dito na humantong sa mainit na pag-uusap.
No comment din ang Palasyo kaugnay sa posibilidad na mag-iba ang posisyon ng Amerika sa isyu sa West Philippine Sea (WPS) kasunod ng pag-iba sa posisyon nito sa Russia-Ukraine war.
Ipinauubaya na aniya nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang pagbibigay ng pahayag sa naging pulong nina Trump at Zelensky.
Matatandaang nagkainitan ang dalawang lider matapos kastiguhin ni Trump si Zelenskyy dahil tila hindi man lang ito ipinagpapasalamat ang tulong ng Amerika para resolbahin giyera nito sa Russia.
Dahil dito, nakansela ang paglagda sa rare mineral agreement ng dalawang bansa at inescort palabas ng White House si Zelenskyy.