Wednesday, August 26, 2026

Utos sa paglabas ng ₱125-M, patunay ng control ni VP Sara ayon sa Palasyo

Nasa kamay ng mga senator-judge ang desisyon kung sapat ang mga testimonya at ebidensya para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa impeachment case kaugnay ng paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t sinabi ng dating Special Disbursing Officer na si Gina Acosta na hindi niya nakitang pisikal na hinawakan ng bise presidente ang pera, inamin umano ng saksi na si Duterte ang nag-utos na ilabas ang buong ₱125 milyon na confidential funds.

Iginiit ng Palasyo na nagpapakita ito ng direktang utos at kontrol ng bise presidente sa paggamit ng pondo ng bayan.

Dagdag pa ni Castro, si Duterte rin ang lumagda sa mga liquidation report na sinuri at may nakitang kulang na mga dokumento.

Sinabi ng Malacañang na dapat nakabatay sa ebidensya at due process ang magiging desisyon ng impeachment court, at hindi sa politika, upang maprotektahan ang pondo ng bayan at matiyak ang katarungan.

Facebook Comments