Paggamit ng Long Range Acoustic Device sa pag-disperse sa mga raliyista, kinondena ng grupong BAYAN

407

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan Timog Katagalugan ang pagbomba ng tubig sa mga raliyista sa may UN Avenue sa lungsod ng Maynila.

Sa isang statement, sinabi ni Peti Bautista, spokesperson ng Bayan ST, ito ang kauna unahan na gumamit ang mga Anti-riot police ng Long Range Acoustic Device sa pag-disperse sa mga raliyista.

Ang LRAD na isang sonic weapon ay ginagamit sa buong mundo laluna sa panahon na may may mga pandaigdigang pulong.

Idinagdag ni Bautista na ipinakita nito na ang pamumuno ni Duterte ay unti unti nang nagpapakita mapaniil na tendensya.

Facebook Comments