Paghahanap ng solusyon sa pagkalat ng fake news, pag-uusapan ng mga Communication and Information Ministers ng ASEAN

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang closed door meeting kasama ang kanyang mga counterparts mula sa 10 ASEAN member Countries para talakayin ang lumalalang problema sa paglaganap ng Fake News.
Ayon kay Andanar, darating sa bansa ang mga Communication and Information Ministers ng mga ASEAN member countries para pag-usapan ang nasabing issue at makapaglatag ng mga paraan para mabigyan ito ng solusyon at tuluyan nang matuldukan ang paglaganap ng pekeng balita.
Inaasahan aniyang makabubuo ng isang polisya ang mga ministers para matugunan ang problemang laganap na hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong rehiyon.
Pero dahil aniya closed door meeting ang mangyayari ay kailangan pa niyang makuha ang approval ng kanyang mga counter parts kung puwedeng ilahad sa publiko ang ilan sa kanilang mga napagusapan o mapagkakasunduan.

Facebook Comments